Thursday, March 27, 2008

Ating Samahan

ayokong isipin kung saan aabutin
ang ating samahang mithiin ng lahat
lungkot at saya tayo'y magkasama
noon at ngayon tayo'y iisa
talaga naman nakaka aliw
sa tawanan ay mabaliw
sa inuman at pulutan
di tayo papalamang
gimiks at trippings
sky is the limit sadyang kaysa ng ating samahan
saan man landas tayo ay napadpad
tayo ay walang katulad
tayo pa rin ay mag kaabot palad
ngiti ay may ibang kulay
dahil di magkakaila ang saya at galak
sa tuwing tayo'y nagkikita,
dahiliisang dugo, iisang layunin,
iisang mithiin, iisang dibdib iisang lakas
ang nananalantay sa ating systema
sa pusot, isipan at alaala
tayo pa rin ang magkasama
Salamat sa tiwala at katapatan
tayo ay tunay na magkaibigan
hirap, lungkot, dalamhati, pagsubok
kalasingan, bangag, puyat,
kalokohan, tuksuhan
tayo ay may pinagsamahan
sanay dingin ang hiling na sanay tayo'y pagpalain
sa lahat ng ating hangarin
at kung sakali man di maiwasan tayo magkalayo
wag kalimutan ang pinag samahan
dalhin mo hangang sa paglisan
sa lahat ng una at huli
simula at wakas ng kabanata puno't dulo
ikaw at ako ay nandoon
walang iwanan hangang kamatayan!

No comments: