Thursday, March 27, 2008

Giseng

Nang makita kang muli
ay hindi mapalagay
na umaasang matatanaw
ang kagandahan ay ikaw
sa araw-araw sa pagmulat ko
walang ibang laman ang isip ko
kundi ang larawan mong
di matabi, di matupi
akoy napapatili
sayong mga ngiti
na may kiliti
sa bawat talumpati
maaring di tama maaring di sukat
ang simpatya ng puso kong may halak
pag ikaw ay hawak
Ngunit kahit anong pilit
ay hindi maiilalapit
bawat kalungkutan ay may kapalit
walang pag aalinlangan ang pag mamahal na alay
ay mananatili sa puso kong
walang pag kukunwari

No comments: