Minsan
Mapupungay na mata
ngiting kay lambing
ang kagandahan mo
ay walang maihahambing
pag ikaw ay katabi
lahat ay napapa amo
makatawag pansin
ang lakas ng iyong dating
ngunit sa kabila nito
ay may kalakip
hindi ko alam
ngunit mapait
minsan ay lito minsan ay magulo
minsan may lungkotminsan ay bigo
sa mga minsan na ganito
sana ay minsan lumingon
handang dingin ang iyong tugon
Ang iyong tinig ay nais madinig
sa saya at lungkot laging marinig
minsan ng nasaktan minsan ng lumuha
di hahayaang lumubha
may kabalikat,kasangga, kakampi
Walang akong itatangi bukas ang palad
sa anu mang oras pa minsan man o madalas
hindi ako tatakas. laging may ngiti
sa lahat ng sandali kislap sayong mata
ay walang kupas kagandahan mo
sa mata ko'y di kukupas
isang hiling sanay dingin
patuloy Nyang patnubayan
ang aking kaibigan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)

No comments:
Post a Comment